Answers

2014-10-29T13:17:23+08:00
Lumikha sila ng isang mahigpit na sistema ng paghahati ng lipunan sa mga pangkat, ito ay binubuo ng apat na pangkat. Ang una at pinakamataas ay ang mga brahmin o pari, ang pangalawa ay ang mga kshartriyas o mandirigma, ang pangatlo ay ang mga vaishya o magsasaka at mangangalakal at ang pang-apat ay ang mga sudras o alipin. Sa caste, ang mga kasapi ng bawat pangkat ay kailangang sundin ang mga tuntuning namamahala sa pag-aasawa, hanapbuhay, seremonya sa pananampalataya at mga kaugaliang panlipunan tulad ng pagkain at pag-inom.
21 4 21