Answers

2014-11-03T20:56:49+08:00
Pagtamay sa mga pinoy sa abroad.
0
2014-11-03T20:59:23+08:00
Mahirap bang mag-sorry?  (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 7, 2013 - 12:00am                                                                                                                                                           
NAGBANTA ang Hong Kong na papatawan ng sanctions ang Pilipinas kapag hindi humingi ng formal apology si President Noynoy Aquino at magbayad ng compensation  sa mga biktima ng hostage taking noong Hunyo 2010 kung saan walong Hong Kong tourists ang na­patay ng isang nadismis na pulis. Hindi naman­ sinabi ng Hong Kong kung anong klaseng sanctions­ ang ipapataw nila sa Pilipinas. Nagmatigas si President Aquino na humingi ng apology o sorry sa Hong Kong government. Aniya, ang buong bansa ay hindi mananagot sa kasalanang ginawa ng isang tao. Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA) una nang nagpaabot ng pagsisisi ang Pilipinas sa nangyaring trahedya at nagbigay ng “financial tokens of solidarity” sa pamilya ng mga biktima. Pero ang mga ito ay hindi tinanggap ng Hong Kong. Galit ang mga residente roon at nag-demand na dapat ay pormal na magsalita si Aquino at humingi ng apology. Ipinakita naman ng Hong Kong journalists ang kanilang inis nang padaskol silang magtanong kay Aquino sa APEC summit sa Indonesia noong nakaraang buwan. Binastos nila ang Presidente. Habang nagmamatigas naman si Aquino, nag-isyu naman ng apology si Manila Mayor Joseph Estrada ukol sa nangyaring trahedya. Nagtungo rin sa Hong Kong ang isang konsehal ng Maynila para i-discuss ang isyu at nang manumbalik na ang relasyon ng dalawang bansa. Mabigat ang isyung ito at mukhang ma­raming maaapektuhan kapag hindi pa gumawa ng hakbang­ si Aquino. Siya lang ang makakare­solba ng gusot. At mangyayari lamang ito kung mag-iisyu ng apology. Hindi naman mahirap mag-sorry. Para matapos na ang isyung ito at nang manumbalik muli ang relasyon. Tanggapin na talaga namang nagkamali sa pag-handle ng hostage situation ang mga awtoridad at na­saksihan iyon nang marami sa telebisyon. Ang kapalpakang iyon ang naging dahilan para pa­tuloy na igiit ng Hong Kong ang formal apology.
0