Answers

2014-11-16T13:00:20+08:00
Tuloy ang Pacquiao­Bradley fever sa GMA News TV ngayong Linggo ng hapon. Babalikan ng Sports Pilipinas Post-Fight Special episode nito ang maiinit na pangyayari sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley simula 5.20 PM.

Samahan ang Sports Pilipinas hosts na sina Chino Trinidad at Isabel Oli at special studio host na si Mark Zambrano sa talakayan at pagtatalo tungkol sa resulta ng laban nina Pacquiao-Bradley sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Kasama ng boxing experts, susuriing mabuti ang bawat galaw, suntok at estratehiya nina Pacquiao at Bradley. May exclusive report din mula kay Chino mula sa Las Vegas, para isasalaysay ang mga pangyayari sa loob at labas ng ring na hindi nakita sa TV screen.Panoorin ang lahat ng ito ngayong Linggo ng hapon sa Sports Pilipinas Post Fight Special simula 5:20 PM sa GMA News TV.
1 5 1