Answers

2014-11-16T14:26:43+08:00
Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa: Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.

2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa: Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam  - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.

Halimbawa: Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.

5.Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ngpandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa: Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6.Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa: Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa: Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8.Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa: Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
0