Answers

2016-03-10T14:55:51+08:00
Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at magpapanatili ng domestic employment.

Dahil dito, naging napakayaman ng mga mangangalakal at producer tulad ng British East India Company na pinrotektahan ng estado sa mga layunin at aksyon nito. 
17 4 17