Answers

2015-11-08T00:36:28+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Nagsimula ang kultura ng bansang India noong 5,000 na taon na naging dahilan kung bakit itinuturing na isa ito sa mga pinakamatandang kultura sa mundo.Tulad ng ibang kultura sa mundo, malawak ang kultura ng bansang India. Bawat rehiyon ng bansa may naiiba ang kultura. Ngunit, may mga pagkakatulad tayo sa kultura mismo at makikita ito sa wika, relihiyon, pagkain, at damit.
Wika
Hindi ang pambansang wika ng India, pero ang bilang ng wikang ginagamit ay malapit sa 400. Gumagamit sila ng tatlong alpabeto: Ang Gurmukhi, Shahmuki, at ang Devanāgarī .
Paniniwala/ Relihiyon
Nagsimula ang Hinduism at Buddhism dito sa India pero ang karamihan ay mga Hindu. Sila ay isa sa pinaka malaking Islamic na bansa sa mundo sapagkat maraming Muslim ang naninirahan dito. Ang salitang "Bathala" ay galing sa salitang Bhattara Gura na ang ibig sabihin ay "highest of the gods"
Pagkain
Ang pagkain ng nila ay naimpluwensiyahan ng Turkish, Arab, at European. Isa sa mga tanyag na pagkain sa bansang ito ay ang curry. Kilala sa paggamit ng maraming "herbs at spices" ang pagkain nila.
Pananamit
Ang damit ng mga taga India ay kilala sa makukulay na padron at disenyo nila. Ang sarong at potong ay nakukuha natin sa kanila.










0