Answers

2014-11-27T18:25:51+08:00
Dahil sa Renaissance Period, nagwakas ang kaguluhang ekonomiko at pinalitan ito ng bagong pananaw na nagbigay ng pangako, tiwala at makabagong sining. Ito ay ang "Muling Pagsilang". Dahil dito, umunlad at naging payapa ulit ang Europa. Mga Kahalagahan ng Renaissance: 1. Muling nanumbalik ang mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma. 2. Nagbigay daan sa marami ng pagbabago sa sining, arkitektura at eskultura. 2. Nagbigay daan sa kalayaang intelektwal.
27 3 27
2014-11-28T06:35:41+08:00
Ang RENAISSANCE ay salitang Prances na ang ibig sabihin ay "muling pagsilang".Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Sa panahon ng renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo, at disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag uugali, at sa paggalang ng pagkatao ng isa ng indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hindi nakapag tataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ito ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang ekonomiya.
2 5 2