Answers

2016-03-10T14:17:05+08:00
Ang unang digmaang pandaigdig ay naganap sa Europa at nilahukan ng karamihan sa mga bansa doon. Ngunit dahil sa kawalan ng mga sea borders sa pagitan ng Europa at Asya, naging malaki din ang epekto nito sa mga kalapit na bansa.

Sa aspetong politikal, nagresulta ang unang digmaang pandaigdig sa pagbagksak ng ilang monarkiya: Russia noong 1917, Austria-Hungary noong 1918 at Turkey noong 1922. Ito rin ang nagdulot ng pag-angat sa kapangyarihan ng Bolshevik sa Russia noong 1917. Bukod dito, nagdulot din ito ng mga rebolusyon sa Middle East at Southeast Asia.

Ang France at Great Britain naman ay pinaghatian ang bumagsak na emperyo ng Ottoman na nagsilang sa marming bansa tulad ng Syria, Iraq, Lebanon, Jordan, Saudi Arabia, at iba pa. marami sa mga bansang ito ay nilikha ng mga mamamayan na wala o kakaunti ang karansan sa pamamahala kaya naman tinulungan sila ng Europa kapalit ng iilang mga pabor.

At marahil isa sa pinaka malaking epekto nito sa makabagong panahon ay ang pagkalikha ng British Mandate of Palestine na nagdeklara ng pagkabuo ng Palestine upang mgaing refuge home para sa mga Jews, na siyang naging basehan ng giyera sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian.

Ang bansang Japan naman ay nakakuha ng mga teritoryo mula Germany. Naakuha din ito ng isang probinsya mula Tsina, ang Shangdong, at nagkarron ng right of extraterritoriality. Ibig sabihin nito, hindi maaring arestuhin at litisin ang mga Hapon sa mga korte ng Tsina na nagbigay kapangyarihan sa kanila na maging kapantay ng mga Europeo, at magkaroon ng edge laban sa mga intsik.

Ito ay maaring nagdulot pa ng May 4th movement sa Tsina na nagprotesta sa Treaty of Versailles at nagbigay daan sa pagkasilang ng Tisna bilang isang intelektwal at popular na himagsikan at pagkabuo ng Chinese Communist Party.

2 4 2