Answers

2014-12-23T19:06:53+08:00
Kung ang tinutukoy mo ay leche flan, pahingi ako. Biro lang. Eto ang mga hakbang atsukat upangmakagawa ng 3 lyanera ng leche flan:

Mangangailangan ka ng mga sangkap:
10 pula ng itlog (binating mabuti)
1 malaking lata ng ebaporadang gatas
1 malaking lata ng condensadang gatas
3 kutsara ng asukal (pwedeng brown sugar)
1 kutsara ng vanilla
Aluminum foil
3/4 na tasa ng tubig

1. Ipagcaramel ang asukal sa lyanera (painitin para magawa ito), itabi.
2. Paghaluin ang nalalabing sangkap habang HINAHALONG MABUTI. Mahalagang haluin mabuti.
3. Ibuhos sa lyanera habang pinapadaan sa salaan.
4. Isingawan hanggang sa mabuo.
5. Baligtarin sa bandehado.

Good luck at maligayang pasko! :D
0