Answers

2014-06-08T19:15:46+08:00
Ang Pederasyong Ruso (Ruso: Российская Федерация, Rossijskaja Federacija) o Russia (Rusya) ay isang bansang sumasaklaw sa napakalawak na bahagi ng Silangang Europa at ng buong Hilagang Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig na may tinatayang sukat na 17 075 40 km² at halos doble ng laki ng Canada, ang sumunod na pinakamalaking bansa. Ito rin ang ikasiyam na bansa na may pinakamaraming populasyon na umabot sa 142,000,000 katao[2]. Umaabot hanggang buong Hilagang Asya at 40% ng Europa, na humigit kumulang siyam na sona ng oras at malawak na kalikasan at likas na yaman. Ito ang pinakamalaking reserba ng mineral at lakas enerhiya.[7]Ang Rusya dati ang pinakanangingibabaw na republika ng Unyong Sobyet. Ngayon, bilang isang malayang bansa mula nang nabuwag ang Unyong Sobyet noong Disyembre 1991, isa itong maimpluwensiyang kasapi ng Commonwealth of Independent States (Komonwelt ng mga Malalayang Estado).Malaking bahagi ng lawak, populasyon, at kapital ng Unyong Sobyet ay nasa Rusya. Sa ganon, pagkatapos mabuwag ang Unyong Sobyet, nagbigay hangad muli ang Rusya na magkaroon ng maimpluwensiyang papel sa mga kaganapan ng mundo. Kapuna-puna ang impluwensiyang ito, ngunit malayo pa rin sa dating hinahawak ng Unyong Sobyet.
5 3 5