Answers

2015-01-05T10:15:04+08:00
Ang Noli Me Tangere ay isa pong nobela na sinulat ni Dr. Jose Rizal. Yung kumbaga, 1st section ng nobelang iyon, sinulat niya sa Spain. Specifically, Madrid, Spain. Nag-aaral pa siya ng medicine 'non. Ipinagpatuloy niya naman po yung pagsusulat niya ng nobelang iyon sa Paris, France matapos ang kurso niyang medisina. Yung last part naman po ng nobela, sa Berlin, Germany niya naman po tinapos. Ang inspirasyon naman po ni Jose Rizal sa pagsulat ay si Harriet Beacher Stowe. Pero base po sa itunuro sa amin, yung libro po talaga yung pinaka-inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere. Ang pangalan po ng libro ay "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Harriet Beacher Stowe. Yung libro po kasi ay tungkol sa buhay ng isang Negro. Alipin po yung Negro. Nakalahad po dun yung marahas na pagtrato ng mga makapangyarihang Amerikano sa Negro. Naisip po ni Jose Rizal na pagsama-samahin yung mga naranasan ng  mga kababayan niya sa ilalim ng mga mapanakop na Espanyol para makumpleto yung libro pero nagbago din isip niya. Kinonsulta niya yung kaibigan niyang si Dr. Ferdinand Blumentritt tungkol sa libro. Touch Me Not po sa Latin ang Noli Me Tangere. Nakalahad po dito lahat ng pag-hihirap ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol. Isinulat niya ito para pag nabasa ito ng mga Pilipino, maimulat ang kanilang mga mata sa katotohanan. Ginawa ito ni Rizal sapagkat alam niyang takot ang mga Pilipino pag-usapan ito kaya siya na lang ang gumawa ng paraan para malaman nila ang katotohanan.


P.S
Sabi mo po sa tanong mo, "What is about Noli Me Tangere?" kaya sinagot ko lang po iyan. ^^ Hindi na kasama yung mga karakter. 

Btw, Hope this helps. :)))  
0