Answers

2015-01-08T14:43:12+08:00
Sa Shang Dynasty noong mga 3000 taon na ang nakalilipas, ang ginagamit na papel ng mga tao ay buto ng hayop at bahay-pagong. Gumagawa sila ng mga tala sa pamamagitan ng pag-uukit ng mga salita sa naturang mga materyal. Ang mga inukit na butong ito ay kilala ngayon bilang "oracle bones". Bukod sa mga seremonya ng dibinasyon, ginagamit din noon ang mga butong ito sa pagrerekord ng mga pangyayaring historikal, mga gawain ng kaharian, impormasyon hinggil sa penomenang natural at pamamaraan ng pagsasaka.
4 3 4